SANGGUNIANG BARANGAY
NG SANTISIMA TRINIDAD
CITY OF MALOLOS

Get Started

KASAYSAYAN NG BARANGAY STMA. TRINIDAD

Ang pangalan ng Barangay Santisima Trinidad ay hinango sa pangalan ng patron – TATLONG PERSONA ng SANTISIMA TRINIDAD na ayon sa kasaysayan, dahil sa ito ang lugar kung saan natagpuan ng isang magsasaka ang nasabing patron na ayon sa mga kwento na nakailang saling lahi na at hanggang sa ngayon ito ay pinaniniwalaang milagroso at bilang pagkilala sa nasabing patron, isang bisita ang tinayo sa eksaktong lugar kung saan ito ay natagpuan na hanggang sa nayon ay matatagpuan pa rin ang bisita at ang pangalan nga ng Barangay ay inalinsunod na sa kanya. Ang barangay Santisima Trinidad.

Naging pangalan din ng bawat kalye ang mga naging tinyente del baryo at sa katagalan ito ay tinawag na Kalye ng Mabini hanggang sa kasalukuyan. Ang barangay Stma. Trinidad ay nagging Most Friendly Barangay 2000 sa Malolos at 2nd Runner up sa Bulacan panahon ng panunungkulan ni Kapitan Levi Valerio. Noong 2011 nanano naman bilang Bb. Malolos si Czarina Christelle Alyannah Celis. Ang pagkakaiba ng barangay Santisima Trinidad sa iabng barangay ay bukas ito araw-araw at dinarayo ang mga okasyon dito. Ang barangay Santisima Trinidad ay may kabuung sukat na humigit kumulang 159,543.95 metro kuwadrado o 112-115 hektarya at may layong limang (5) kilometro bukat sa kabisera/kabayanan ng Malolos.

Ito ay may lokasyong Pangheyograpiya, sa hilagang bahagi ay Brgy. Lugam, sa Timog ay Brgy. Sumapa, sa Silangan naman ayBrgy. Pinagbakahan at Brgy. Barihan sa Kanluran. Ang klima ay nahahati sa dalawang panahon, ang tag-ulan na kadalasan na dumadating sa huling Linggo ng buwan ng Mayo hanggang Nobyembre at ang ang natitirang buwan ng Disyembre at ang unang Linggo ng mayo ang panahon ng tag-araw. Ang Barangay Santisima Trinidad ay may (2) dalawang selebrasyon ng kapistahan: Pistang maliit at Pistang Malaki, ito ay dinarayo ng maraming tao na taga iba’t-ibang lugar, marami ang nagtitinda ng iba’t-iabang paninda tuwing Pista. Patunay ito na nakakadagdag ng Turismo at tumataas ang ekonomiya ng barangay Santisima Trinidad. Natatangi ang Barangay Stma. Trinidad sa buong Lungsod ng Malolos, sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw, na talagang dinarayo ng mga deboto at mga nananampalataya sa bisita ng Stma. Trinidad kung saan ay nagkakaroon ditto ng pabasa ng Pasyon kapag Mahal na Araw at may mga deboto rin na pinappako sa Krus, at ang bilang ng pinitensya ay di bababa sa 100 katao.

PHYSIOGRAPIYA NG BARANGAY STMA. TRINIDAD

Lokasyong Pangheyograpiya (Geographical Location)

Ang Barangay STMA. TRINIDAD ay humigit kumulang limang (5) kilometro mula sa kabayanan ng Lungsod ng Malolos at mayroong kalahating oras ang biyahe mula sa Barangay Stma. Trinidad, patungong sa Kabayanan o Poblacion. Ito ay napapalibutan ng mga sumusunod na barangay:

Hilaga (North) : Barangay Lugam
Timog (South) : Barangay Sumapang Bata
Silangan (East) : Barangay PInagbakahan
Kanluran (West) : Barangay Barihan

Klima at Pag-ulan

Kapag tag-araw ay mainit na mainit ang sikat ng araw at may malamig na hangin kapag naman panahon ng tag-ulan. At kung Panahon naman ng Tag-ulan na sa kasalukuyan ay binabaha na rin ang mga taga Barangay Stma. Trinidad na dati ay hindi nalulubog dahil sa tumatapon ang mga tubig sa mga Bukid. Ngunit ngayon ang mga Bukirin na ito ay dini-develop na bilang mga Subdibisyon at residensyal na matataas ang tambak.

Paglalarawan ng Bawat Sitio

• PUROK 1 – Mula Palm Garden Resort hanggang bungad ng Stma. Trinidad Elementary School.

• PUROK 2 - Mula bungad ng Stma. Trinidad Elem. School hanggang 357 Rehabilitation Center.

• PUROK 3 - Mula 357 Rehabilitation Center hanggang boundary ng Brgy. Barihan.

• PUROK 4 - Mula RePhil Gas Station hanggang looban ng Planta.

• PUROK 5 - SITIO BALANTI

• PUROK 6 - Phase 2B Menzyland Subdivision

MGA KASALUKUYANG NANUNUNGKULAN O OPISYAL NG BARANGAY

Barangay Captain

IGG. ROMMEL DC. ALENIA

user-avatar
KAGAWAD

IGG. ANDRES V. DOMINGO JR.

user-avatar
KAGAWAD

IGG. MELVIN D. SANTOS

user-avatar
KAGAWAD

IGG. JOANTHONY J. CONTI

user-avatar
KAGAWAD

IGG. PAULO JOSE T. POMPOSO

user-avatar
KAGAWAD

IGG. CECILIA A. BAUTO

user-avatar
KAGAWAD

IGG. BELARMINO V. ADRIANO

user-avatar
KAGAWAD

IGG. MANUEL S. ADRIANO

user-avatar
SK CHAIRMAN

IGG. GIMMELLE MAE M. SURIO

user-avatar
KALIHIM

BB. MADEL L. NABATAR

user-avatar
INGAT-YAMAN

GNG. AMELIA VALENZUELA

user-avatar

Visit Us

A Mabini, Malolos, 3000 Bulacan

brgy.stma.trinidad@gmail.com

(044)305 1715