f

SANGGUNIANG BARANGAY
NG SANTISIMA TRINIDAD
CITY OF MALOLOS

Get Started Request Document

ANNOUNCEMENTS

To: KA-BARANGAY
From: SANGGUNIIANG BARANGAY
Date Posted: May 20, 2023

" Magkakaroon po ng Medical Mission sa ating Barangay sa pangunguna ng Centro Escolar University, Samahan ng mga Doktor at Nurse sa Lungsod ng Malolos at ng Barangay Santisima Trinidad sa ika - 20 ng Mayo, 2023 (Sabado) simula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali na gaganapin sa Stma. Trinidad Elementary School Covered Court. May libreng check-up po sa para sa mga bata at matanda na magbibigay din ng mga gamot. May libreng tuli din po para sa unang 50 (limampung) magpaparehistro (first come, first serve) na gaganapin naman sa Brgy. Health Center simula 7:00am-12:00pm Para po sa inyo ito mahal naming mga kabarangay. "

Mission & Vision

Mission

1. Makapagbigay ng serbisyong may kalidad sa larangan ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, kaayusan, disiplina, tahimik at mapayapang pamayanan.

2. Matulungan ang mga nakakatanda sa kanilang mahalagang pangangailangan lalo na sa panahon na sila ay may karamdaman.

3. Mabigyang kalinga ang lahat ng may kapansanan(PWDs)

4. Mabigyan ng higit pa na pagpapahalaga ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata.

5. Mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, ng patubigan at ng bawat tahanan.

6. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng pamayanan at ng mga mamamayan.

7. Magkaroon ng pantay-pantay at makatarungan paghusga sa lahat ng usaping inihain sa barangay

8. Maging tapat ang mga nanunugkulan sa lahat ng bagay at magastos ang pera ng barangay sa mas higit na pangangailangan at ng naayon sa batas.

Vision

Magkaroon ng isang pamayanang payapa, maunlad, malinis na may nagkakaisang mamamayan na may malasakit at respeto sa kapwa, mapagkalinga at nagpapahalaga sa likas na yaman at kapaligiran, at may hangaring tumaas ang antas ng pamumuhay. May mga namumunong naglilingkod ng tapat at maayos na may pantay na pagtingin sa karapatan ng bawat isa at pinaghaharian ng pag-ibig mula sa Poong Maykapal.

UPCOMING EVENTS

No Events Found
No Events Found

Visit Us

A Mabini, Malolos, 3000 Bulacan

brgy.stma.trinidad@gmail.com

(044)305 1715